
Yung mga panahong sya lang yung kausap mo, nasanay kana sa routine na sya lang talaga.. ung panahong pinapahalagahan mo sya dahil akala mo mahal ka din nya.. Yung mga panahong mas pinili mo pa sya sa mga kaibigan mo, imbis igimik mo eh uupo ka nalang sa harap ng computer para lang kakausapin sya. Yung mga panahong bulag na bulag ka pa. Yung kahit mukha ka ng tanga naghihintay kang mag online basta lang makausap mo sya buo na yung araw mo. Yung mga panahong sabik na sabik ka sa kanya, yung gusto mo na sya makita, makasama. Yung gusto mo maexperience mo lahat kasama sya. Yung mga panahong iniwasan mo ang iba para lang sa kanya, yung maraming higit sa kanya pero sya parin nagpapakilig sayo, sya parin nakikita mo. Yung lahat ng ginawa mo buong araw sya agad takbuhan mo. Sa lungkot at saya anu’t-ano pa man sya lang may alam ng nararamdaman mo. Alam mo na ugali nya pero mahal mo pa. Yung panahong basang basa ang unan mo kakaiyak sa kanya. Iniiyakan mo sya sa mga pinag gagagawa nyang kalokohan, yung pauulit ulit na pagpapatawad mo sa kanya kahit sinasaktan kana. Yung panahong kakayanin mo lahat ng sakit basta sya lang makasakit sayo at basta lang wag syang lumayo. Yung mga panahong inspired ka gumawa ng sulat para lang ibigay sa kanya. Yung mga panahong lutang ang isip mo kasi nga inlove ka, inlove na inlove.. yung kahit pinagsabihan kana ng mga kaibigan mo na wag na sya at may iba na sya. di mo pinaniniwalaan. Dahil sa puso mo lang ikaw nagtitiwala. Tiwalang tiwala ka sa nararamdaman mo. Yung lahat ng utos nya susundin mo wag lang syang magalit sayo. Mapatunayan mo lang na kaya mo gawin lahat para sa kanya. Yung mga panahong nagawa mo ang mga bagay na di dapat para lang maging sapat ka sa kanya.
Yung mga panahong yun TAPOS NA TAPOS NA.